Paglalakbay na Ginawang Mas madali
Pangunahing Pahina Tungkol FAQ Ugnayan Sumali sa Amin Blog | Affiliates
Hanoi Travel Guide
ng Peiwun (Manunulat), Vicky (Mapper)
Hanoi Travel Guide
Halaga: USD 2.95
Wika: Ingles
Edisyon: -
Mga Pahina: 13 (3 Mga mapa )
Bumili at I-download
Ang guidebook na ito ay meron din sa Tsino
Ang ibang guidebook sa Vietnam:
  • Ho Chi Minh City Travel Guide
  • Per Martins: You make very good maps
    Mga reviews mula sa mga manlalakbay (1)
    Ano ang nasa loob?
    Nagpaplano ka bang bisitahin ang Hanoi? Kakailanganin mo ang guidebook na ito upang makatulong sa iyo na hanapin ang iyong daan. Makikita mo dito kung saan puwedeng manatili, kumain, bumisita at mamili. Ito rin ay naglalaman ng mga kapaki-pakinabang na tips sa paglakbay, at nagbibigay-daan sa iyo sa kung ano ang maaasahan sa mga lokal na pagkain at kultura. Tuklasin at mag-enjoy ng lubos sa Hanoi sa tulong ng aming guidebook!

    Tumulong sa pagligtas ng Black Gibbon!
    Mga pondong patuloy na nililikom...
    Ang Itim na Gibbon o black gibbon ay isang maliit na arboreal ape o bakulaw na nakatira sa itaas ng puno na nakalista sa IUCN Red List bilang isang nanganganib na uri ng hayop. Ito ay minsang laganap sa mga kagubatan sa buong timong Tsina, Vietnam, Laos at Cambodia, ngunit ngayon ay nanganganib dahil pagkawala ng kanilang tahanan, pangangaso para sa pagkain at Oriental na medisina, pati na rin ang masamang epekto ng mabigat na aktibidad ng mga militar sa loob ng teritoryo nito. Sila ay karaniwang nabubuhay ng pangkat-pangkat na kinabibilangan ng humigit-kumulang sa kalahating dosenang mga indibidwal, kabilang ang isang may edad ng lalaki, isa o higit pang mga may edad na babae at ilang mga kabataang gibbon ng may iba't-ibang edad. Masasabi mo na ang mga lalaking Itim na Gibbon ay ang mga 'playboys o mga palekero' sa mundo ng gibbon, dahil mas gusto nilang magkaroon ng maraming kapareha, di tulad ng ibang uri ng mga gibbon.
    Mga reviews mula sa mga manlalakbay   Sabihin sa amin kung ano ang nasa isip ninyo

    1
    You make very good maps
    by Per Martins, Thailand. Posted 05 Sep 2009
    Mga popular na katanungan Ipadala ang iyong sariling katanungan
    Ano ang a4trip guidebook?
    Ang a4trip guidebook ay isang gabay sa paglakbay na magbibigay sa iyo ng impormasyon na kakailanganin mo sa pagplano at upang malaman mo ang daan. Ang aming guidebook maaring ma-download sa PDF na pormat, at dinisenyo na madaling dalhin, upang maari mo itong madala kahit saan ka pumunta.
    Paano ako magbabayad para sa guidebook?
    Kami ay tumatanggap ng credit card gaya ng Visa, MasterCard, American Express (USA only), Discover (USA only). Ang transaksyon na ito ay lalabas bilang PAYPAL *A4TRIP sa iyong credit card statement.
    Tulong! Bakit hindi ko mai-download ang guidebook?
    Huwag mag-alala, makipag-ugnayan lamang sa amin at ipapadala namin ang guidebook sa mismong inbox mo.
    Gaano kadalas mong ini-a-update ang iyong guidebook?
    Sinisikap naming i-update ang aming guidebook kahit isang beses sa isang buwan.
    Mayroon ka pa bang ibang katanungan tungkol sa a4trip?
    Makipag-ugnayan lamang sa Amin, kami ay magiging masayang marinig ka.
    Ang Makasaysayang Hanoi
    ng Adline A. Ghani, nagtatrabahong ina at freelance na manunulat
    Ang lungsod ng Hanoi, na matatagpuan sa tabing ilog ng Red River o Pulang Ilog, ay ang kapital ng Vietnam ng halos isang libong taon. Matapos malagpasan ang digmaan at ang pinsala dulot ng panahon, nananatili itong sentro ng kultura at edukasyon ng bansa. Ang pangunahing paliparan ay ang Pandaigdigang Paliparan ng Noi Bai, kung saan ito ay matatagpuan sa Distrito ng Soc Son, maraming direktang paglipad ang nagkokonekta sa Hanoi patungo sa ibang bansa ng Asya at europa.

    Ang pangunahing moda ng transportasyon sa loob ng siyudad ay ang taksi, mga bus, motorsiklo at tren. Posible ding galugarin ang Hanoi sa pamamagitan ng paglakad, ngunit kailangan mong magdala ng mapa, dahil ang lansangan ng lungsod ay lubhang nakakatakot. Ang Hanoi ay sinasabing nagtataglay ng maraming kulutal na lugar kesa sa kahit saang lungsod ng Vietnam. Ito rin ay maraming napakagandang tanawin ng lawa kabilang ang Lawa ng Hoan Kiem, West Lake o Kanluraning Lawa, Lawa ng Halais at Lawa ng Bay Mau, na kung saan maaari itong ikutin ng naka bangka.

    Sa puso ng lungsod matatagpuan ang Old Quarter, sikat para sa mga artisan, negosyante, mga inuman at panggabing merkado. Sa kabila ng napakabilis ng takbo ng buhay, napapanatili pa rin nito ang orihinal nito na ayos at arkitektura. Maraming bisita ang pinipiling manatili sa Old Quarter, dahil ito ay may mainam na mapagpipilian ng matipid na bahay pampanauhin o guesthouse at mid-range o di-kamahalang hotel. Ngunit, kung mamahaling akomodasyon ang hanap mo, tumuloy sa French Quarter, kung saan matatagpuan sa timog ng Hoan Kiem Lake. Ang lugar, ay maraming bookshop o tindahan ng aklat, galergya ng sining at cafe, ay mayroong engrandeng lansangan at malawak na daanan.

    Ang mahihilig sa kaysaysayan ay masisiyahan, dahil napakaraming museo sa Hanoi, tulad ng: National Museum of Vietnam History o Pambansang Museo ng Kasaysayan ng Vietnam, ang Pambansang Museo ng Vietnam sa Sining o Vietnam National Museum of Fine Arts, ang Museo ng Vietnam sa Etnolohiya o Vietnam Museum of Ethnology, ang Museo ng Rebolusyon ng Vietnam o Vietnam Museum of Revolution , ang Museo ng Ho Chi Minh o Ho Chi Minh Museum at ang Contemporary Arts Center. Kung ang kolonyal na arkitektura ay nagpapakiliti sa iyong kaisipan, hanapin ang kalye ng Phan Dinh Phung, ang Grand Opera House, ang Palasyo ng Presidente o The Presidential Palace, ang Katedral St. Joseph, at ang Hotel Sofitel Metropole.

    Maraming tiyak na makikita at magagawa sa Hanoi. Ang lungsod ay pinakamasaya sa panahon ng selebrasyon o pagdiriwang ng Tet, ang Bagong taon ng Vietnam. Ang tradisyunal na water puppet theater ay bukas buong taon, ngunit habang sila ay nagiging popular, kailangan mong magpatala ng mas maaga. Ang tradisyunal na merkado ay nag-aalok ng mga burda, seda at lacquerware, pati na rin ang sandalwood at stone carvings o batong nililok. Ang mga pamilihan tulad ng Metro Hanoi, Vincom City Towers at ang Tran Tien Plaza ay nag-aalok ng maraming usong mga alternatibo.

    Habang ang mga lutuin ng Vietnam ay umaani ng katanyagan sa buong mundo, mayroong mga lutuing matatagpuan lamang sa Hanoi. Ang mga mahihilig sa masasarap na pagkain ay dapat bumisita sa Le Mat, na kilala rin bilang: 'Snake Village o Tahanan ng mga Ahas', kung saan ang mga restoran ay nagsisilbi ng kobra. Dito, ang tipikal na aperitif o inumin bago kumain ay ang alak na kobra o cobra wine, kung saan kinakailangang ang waiter o tagasilbi ay kukuha ng buhay na kobra at papatayin ito sa harap mo. Ang dugo ng kobra ay sinasala sa baso na mayroong rice wine at ang puso ng kobra na tumitibok pa ay nilalagay sa maliit na plato upang ito ay iyong kainin.

    Ang isa pang tanyag na lokal na pagkain ay ang dog meat o karne ng aso. Gustung-gusto ito ng mga lokal dahilan kaya maraming restoran ang nag-eespesiyalisa dito. Ang isa pang paborito ng mga lokal ay ang ca cuong, ang katas mula sa giant water bug. Karaniwan ito ay idinudulot bilang pampalasa, tulad ng tuyo, kunting patak para pampalasa ng sopas at pansit. Subalit, kung hindi ka maka adbentura, mas mainam sa iyo ang ang isang mangkok ng pho, isang rice noodle soup na dinudulot na may kasamang manok, baka o lamang dagat at preskong herb.

    Sa pagbisita sa Hanoi, mag-aplay ng Bisa sa kahit anumang embahada o konsulado ng Vietnam. Kung walang tanggapan sa inyong bansa, may opsyon kang kumuha ng Bisa sa araw ng iyong pagdating, kung saan kailangan ng aplikasyon sa Departamento ng Imigrasyon o kumunsulta sa mga ahensiya ng paglakbay. Ang tourist entry visa sa Vietnam ay mabisa hanggang 6 na buwan (ayon sa iyong kahilingan at pagsang-ayon). Ang halaga, ay nasa pagitan ng USD45 hanggang USD100 (kabilang na bayad sa serbisyo at selyo), depende sa bansa na iyong pinanggalingan, haba ng pananatili at kung saan nag-aplay ng Bisa. Kung ikaw ay naglalakbay kasama ang grupo, ang iyong Bisa ay mas mura. Ang mga mamamayan ng ASEAN at mga bansa ng Scandinavia, pati na rin ang Korea at Japan, ay hind nangangailangan ng Bisa para sa itinalagang tagal ng pananatili na ibinigay ng pamahalaan ng Vietnam.

    0
    USD
    Ikaw ay nag order ng 0 na guidebook
    Siem Reap guide de Voya..
    USD2.95, French
    Phnom Penh guide de Voy..
    USD2.95, French
    Yogyakarta Travel Guide
    USD2.95, English
    Bali Travel Guide
    USD2.95, English
    Jakarta Travel Guide
    USD0.99, English
    Bandung Travel Guide
    USD0.99, English
    Beijing Travel Guide
    USD2.95, English
    Hanoi Travel Guide
    USD2.95, English
    Ho Chi Minh City Travel..
    USD2.95, English
    Paglalakbay na Ginawang Mas madali
    Pangunahing Pahina Tungkol FAQ Ugnayan Sumali sa Amin Blog | Affiliates
    Copyright © 2009 a4trip. All rights reserved. Mga alituntunin.