 |
|
 |
|
 |
 |
| Ito ay napaka halagang guidebook. |
| Ang mga impormasyon dito ay tinipon mula sa iba't ibang maaasahang mapagkukunan ng impormasyon magsilbing mabilis na reperensiya para sa iyong paglalakbay. |
|
|
|
|
 |
|
|
 |
|
 |
|
| Jakarta Travel Guide |
| ng Bagus (Manunulat) |
|
|
|
|
|
 |
|
|
 |
 |
| Ano ang nasa loob? |
|
Naglalakbay sa Jakarta? Kakailanganin mo ang guidebook na ito upang makatulong sa iyo sa paghanap ng daan. Ito rin ay magpapakita sa iyo kung saan puwedeng mananatili, kakain, bibisita at mamimili. Ito rin ay naglalaman ng kapa-pakinabang na tips sa paglakbay, at nagbibigay-kaalaman sa kung ano ang aasahan sa mga lokal na pagkain at kultura. Hindi mo ito gustong palampasin!
|
|
 |
|
| Tumulong sa pagligtas ng Javan Ebony Langur Monkey! |
|
 |
|
| Mga pondong patuloy na nililikom... |
|
|
 |
|
|
|
| Ang Javan Ebony Langur monkey, na kilala rin bilang Javan Lutong, ay katutubo sa isla ng Java at ilan sa mga kalapit na isla ng Indonesia. Ito ay karaniwang may makintab na itim na balahibo na may kaunting kulay na kayumaggi sa binti at tagiliran nito. Ito ay pangunahing nilalang na carnivore o kumakain lamang o kalimitang kumakain ng mga halaman, ito ay kumakain ng mga dahon, prutas, mga bulaklak, talulot ng bulaklak at mga itlog ng insekto. Tulad ng mga ibang langur, ang Javan Ebony Langur Monkey ay isang mahilig makisama na hayop, na mas gustong mamuhay ng grupo na binubuo ng hanggang pitong indibidwal. Kasalukayang nakalista bilang vulnerable ng IUCN Red List, ito ay nanganganib dahil sa ng pagkawala ng kanilang tahanan at pangangaso. |
|
 |
|
|
|
| Wala pang kustomer na nagbibigay ng review. Mauna. |
|
|
|
|
 |
 |
 |
|
| Mga popular na katanungan |
 |
Ipadala ang iyong sariling katanungan |
 |
|
|
|
|
|
| Ano ang a4trip guidebook? |
| Ang a4trip guidebook ay isang gabay sa paglakbay na magbibigay sa iyo ng impormasyon na kakailanganin mo sa pagplano at upang malaman mo ang daan. Ang aming guidebook maaring ma-download sa PDF na pormat, at dinisenyo na madaling dalhin, upang maari mo itong madala kahit saan ka pumunta. |
|
| Paano ako magbabayad para sa guidebook? |
| Kami ay tumatanggap ng credit card gaya ng Visa, MasterCard, American Express (USA only), Discover (USA only). Ang transaksyon na ito ay lalabas bilang PAYPAL *A4TRIP sa iyong credit card statement. |
|
| Tulong! Bakit hindi ko mai-download ang guidebook? |
| Huwag mag-alala, makipag-ugnayan lamang sa amin at ipapadala namin ang guidebook sa mismong inbox mo. |
|
| Gaano kadalas mong ini-a-update ang iyong guidebook? |
| Sinisikap naming i-update ang aming guidebook kahit isang beses sa isang buwan. |
|
| Mayroon ka pa bang ibang katanungan tungkol sa a4trip? |
| Makipag-ugnayan lamang sa Amin, kami ay magiging masayang marinig ka. |
|
|
|
 |
|
 |
|
 |
 |
| Punung-puno na Jakarta |
|
| ng Adline A. Ghani, nagtatrabahong ina at freelance na manunulat |
|
|
|
Jakarta, ang kapital at pinakamalaking lungsod ng Indonesya, ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang baybayin ng Isla ng Java. Bilang sentro ng ekonomiya at pulitika ng bansa, ito ay nakakapang-akit ng maraming dayuhan at imigrante, na nagreresulta sa magkakaibang kultura at heady cosmopolitan flavour. Ang lungsod ay pinagsisilbihan ng Pandaigdigang Paliparan ng Soekarno-Hatta. Kapag naroon na sa Jakarta, ang mga manlalakbay ay maaaring umikot sa pamamagitan ng taksi, bus at minibus,auto rickshaw na tinatawag na bajaj (ang bigkas ay 'baj-eye') at ang tren. Ganunpaman, dahil ang lungsod ay dumadanas ng pagdami ng tao, ang trapiko at pampublikong transportasyon ay punung-puno rin. Kamakailan lamang, ang awtoridad ay nagpasimula sa paggamit ng bangkang serbisyo sa ilog at serbisyo sa tren, upang maibsan ang hirap ng mga tao.
Ang mga bisita sa Jakarta ay mayroong malawak opsyon ng akomodasyon na mapagpipilian. Maraming badyet na lodging at katamtamang laki na establisimyento, pati na rin ang mamahaling hotel. Tulad ng ibang lungsod, ang Jakarta ay nag-aalok ng malawak na mapagpipilian ng klase ng pagkain, mula sa mga pagkain ng bansa hanggang sa internasyonal na paborito tulad ng fast food o pagkaing madalian, Tsino, Hapon o Koreano. Kung gusto mo ng maanghang at sili, subukan ang lokal na pagkain tulad ng sop iga sapi, sabaw ng tadyang ng baka; soto betawi, ginataang sabaw na may litid ng baka, bituka at tripe; at kerak telor, isang omelette na niluto na may malagkit na bigas at inihahain na may hinimay-himay na niyog at pinatuyong hipon.
Ang Jakarta ay malaki at, sa kasalukuyan, ito ang ika-11 na pinakamalaking lungsod sa mundo. Ang pangunahing atraksyon ng turista dito ay ang mga museo tulad ng: Pambansang Museo, Jakarta History Museum at ang Jakarta Fine Art Museum, pati na rin ang Taman Ria Ancol Jakarta Amusement Park. Naroon din ang Taman Ismail Marzuki Arts Centre, kung saan ito may planetaryum at ang Jakarta Institute formthe Arts. Gusto mo bang makita buong Indonesya sa isahangpagpunta? Bumisita sa Taman Mini Indonesya Indah, isang maliit na Indonesya na theme park. Kung gusto bumalik sa unang panahon, pumunta sa distrito ng Kota, ang pangunahing sentro ng turismo. Dito, maaari kang maglakad sa mabatong kalye ng Taman Fatahillah plaza at magsadya sa lumang daungan ng Sunda Kelapa sa aplaya.
Sabi nila, kapag ikaw ay bumisita sa Jakarta, bumili ng dagdag na maleta. Ang lungsod na ito ay tahanan ng lumalagong araw at panggabaing merkado at bargain basar, tulad ng nandoon sa Abang Market at Ciputat Raya Street. Doon, makakakita ka ng mga antigo, nililok, mga tela at nakakasilaw na hanay ng lokal na kagamitan gawa sa kamay. Upang masiyahan ang mga sunod sa uso, mayroon ding kumikinang na shopping mall o pamilihan tulad ng Plaza Senayan, EX Plaza Indonesia at ang Kelapa Gading Mall. Tinatawag na 'Malaking Durian', ang ilang mga bisita inilalarawan ang Jakarta bilang isang tinamong lasa. Sa lungsod na ito, ang buhay ay magulo at ang pagkakaiba ng ekonomiya ay makikita sa lahat ng dako. Kung gusto mong subukan ang kakaiba at kung gusto mo ng malaking pagkakaiba pumunta dito.
Ang mga bisita mula sa ilang bansa ay maaring bumili ng Bisa pagkarating o Visa uppon Arrival (VoA) sa kahit saang Pandaigdigang Paliparan ng Indonesya o daungan. Ang 7-na araw na VoA ay magkakahalaga ng US$10, habang ang 30-na araw na VoA ay magkakahalaga ng US$25. Ang mga bisita mula Brunei Darussalam, Chile, Hong Kong, Macau, Malaysia, Morocco, Peru, Pilipinas, Thailand, Vietnam at Singapore ay maaaring di kumuha ng Bisa para sa pananatili na di lalagpas ng 30 na araw. Lahat ng ibang nasyonal at sinumang gustong manatili ng higit pa sa 30 na araw ay kailangang mag-aplay para sa naaangkop na Bisa sa Konsulado ng Indonesya sa ibayong dagat o Foreign Mission bago umalis papuntang Indonesya.
|
|
|
 |
|
|
|
 |
|
|
|
 |
|
|
|